Titulo para sa 15 member-beneficiary ng Luklukan Norte HOA, naigawad ng SHFC

Published on 23 October 2023

CAMARINES NORTE – Ipinagkaloob ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang labinlimang (15) titulo sa sampung (10) kababaihan at limang (5) kalalakihan na mga kasapi ng Luklukan Norte Homeowners Association, Inc. noong ika-13 ng Oktubre sa Jomapa Hall ng Barangay Luklukan Norte, bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte.

Tinanggap ng 15 na member-beneficiary (MB) ang kanilang mga Transfer Certificates of Title sa isang awarding ceremony na pinangunahan ni SHFC Daet OIC-Manager Milkyzedeck Bien.

Kasama sa mga espesyal na panauhin at saksi sa seremonya si DHSUD Region V OIC-Regional Director Engr. Cristina Abano, kasama ang mga opisyal ng bayan ng Jose Panganiban, sina Mayor Ariel Non, at ang mga Konsehal na sina Cath Dilao, Icole Arenal, at Michael Guzman.

Noong 2009, nai-take-out ang housing financing sa kabuuang 134 MB ng Luklukan Norte HOAI sa ilalim ng Community Mortgage Program.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS