SPEECHES

Speech by SHFC President and CEO Federico A. Laxa at the Inspection of Crystal Peak Estates by President Ferdinand Marcos, Jr. in San Fernando City, Pampanga

3 July 2023

Mayap a abak pu kekayu.

Mahal na Pangulo, this is it. Heto na po!

Malugod naming inihahandog sa inyo ngayong araw na ito ang katuparan ng inyong pangarap na mabigyan ng pabahay ang nakararaming mamamayan natin at tugunan ang malaking kakulangan sa pabahay sa pamamagitan ng inyong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program o 4PH.

Mahal na Pangulo, heto na po ang katunayan na kaya natin ito. Ito po ang mahalagang sandali na pinkahihintay natin.

Heto na po. Ang oras at lugar kung saan ay maipapahayag na ninyo na ito na ang katuparan ng ating mga pangako.

Ang Crystal Peak Estates po ay magiging tahanan ng 10,250 pamilyang Pilipino na walang tirahan. Magtatayo po tayo sa proyektong ito ng 27 gusali mula 12 hanggang 25 palapag bawat isa. Ito po ay magkakaroon ng kumpletong pasilidad, komersyal at mga iba’t ibang institusyon sa halos 10 hektaryang lupain nito.

Ang proyektong ito ay nasa sentro ng negosyo at kalakalan na distrito ng San Fernando – ang kabiserang lungsod ng Pampanga at sentrong pang rehiyon ng Gitnang Luzon. Malapit po ito sa malalaking department stores, supermarkets, hotels, kainan, ospital, eskwelahan, at opisinang pang negosyo. Hindi rin po nalalayo dito ang ating regional government center. Sa kabila ng lahat ng ito, maglalagay pa rin po tayo ng espasyong pang negosyo sa mga piling gusali tulad ng convenience stores, health centers, learning centers, livelihood training centers, restaurants, at mini groceries. Magkakaroon din tayo ng transport terminal dito para sa madaliang at maginhawang pagsakay ng ating mga beneficiaries. Ito po ay katuparan ng inyong pangarap, mahal na Pangulo, na kung saan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga kababayan ay pawang malalapit sa kanilang mga tahanan lalo na sa kanilang mga trabaho at hanapbuhay.

Magbibigay din po kami dito sa proyektong ito ng alokasyon para sa ating mga military at uniformed personnel at OFWs, maliban sa iba pang empleyado ng pamahaalan, pribadong sector at kababayan nating nangangailangan ng pabahay.

Mahal na Pangulo, maraming salamat po sa pagbibigay ninyo sa amin ng matibay na suporta at inspirasyon para magawa namin ang inakalang di magagawa ng iba. Sec. Acuzar, salamat po sa inyong mahusay na pamumuno at walang sawang pag-gabay sa amin. Sa aming katuwang sa proyektong ito, ang Kaerland Development Corporation, ang pamahalaang lungsod ng San Fernando, ang SHFC, KSAs at DHSUD family ko, mga panauhing pandangal, salamat po sa motibasyon na binibigay ninyo para magsikap at pagbutihin pa naming lalo ang aming mga trabaho. At sa aming mga benepisyaryo na matiyagang naghintay sa proyektong ito para makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.

Dakal pung salamat at mayap a aldo kekaya ngan.


Speech by SHFC President and CEO Federico A. Laxa at the Groundbreaking Ceremony of Valley View Townships in Tagoloan, Misamis Oriental

2 April 2023

Maayong buntag sa inyong tanan!

Masaya po akong nakasama kayo dito sa groundbreaking ng Valley View Townships project dito sa Tagoloan, Misamis Oriental. Isa po ito sa mga kauna-unahang proyekto ng SHFC sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program o 4PH ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa direksyon at pamumuno ng Kalihim Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Nag-umpisa po ito sa isang simpleng meeting namin nina Cong. Romy Jalosjos at ni SHFC VP Felman Gilbang sa may Ortigas Center noong December 9, 2022. At doon po ay nabuo ang plano naming para gumawa ng 25 13-storey buildings na lilikha ng mga 10,400 condominium units na ang karamihan ay para sa mga empleyado nsa PHIVIDEC at mga kumpanya na nakapaloob dito.

Makikinabang po ang ating mga nagtatrabaho dito sa mababang buwanang bayad sa pamamagitan ng interest subsidy na magbababa ng interest sa isang porsyento lamang at ng graduated amortization scheme ng 4PH. Maliban po sa benepisyo sa ating mga manggagawa na magkakaroon ng sariling tahanan, ang Tagoloan at mga karatig pook nito ay makikinabang din sa dagdag na trabaho para sa site development at construction, sa benta ng construction materials, mga furnitures, at appliances. Malawak po ang benepisyo na magagawa ng proyektong ito sa pagpapalago ng inyong ekonomiya. Hindi bababa sa halagang P2.23B ang trabahong malilikha ng proyektong ito.

Inaanyayahan ko po ang lahat na magpalista na kayo sa lokal na pamahalaan ninyo at sa SHFC o RGJ Realty para masama po kayo sa mga makikinabang sa proyektong ito.

Nagpapasalamat po ako kay Cong. Jalosjos at sa kanyang RGJ Realty Corporation sa pagsali nila sa 4PH. Makakaasa sila na kami ay parating nasa likod nila para sa tagumpay ng proyektong ito. Nagpapasalamat din po ako sa lokal na pamahalaan ng Tagoloan sa pangunguna ni Mayor Nadya Emano-Elipe, sa ating mga Representatives: Cong. Emano at Cong. Rodrigues at Gobernador Unabia sa pakikiisa nila at sa suporta nila sa proyektong ito. Salamat din sa iba pang opisyales na naririto, sa PHIVIDEC sa pangunguna ng kanilang CEO/Administrator Jesus Mananquil at mga opisyales nila. Sa mga namumuno ng mga kumpanya na locators dito at sa mga manggagawang Pilipino.

Daghang salamat po sa inyong tanan. Mabuhay po tayong lahat.


Speech by SHFC President and CEO Federico A. Laxa at the St. Rosary Village Homeowners’ Association, Inc. in San Fernando, Pampanga

29 March 2023

Magandang hapon po.

Ako po ay lubos na nagagalak at nakamit na ninyo ang inyong pinakahihintay na titulo sa inyong mga lupa. Ito ang nagpapatunay na pagma-may ari na ninyo ang mga lupang ito. Pakamahalin po ninyo ang papel na ito. Ito rin po ang aming hangarin na mabigyan kayo ng karagdagang yaman na maipamamana ninyo sa mga susunod na henerayon. Ang tawag po namin dito ay “empowerment” – ang pagbibigay ng kapangyarihan sa inyong mga kamay, ang pagpapataas ng antas ng inyong pamumuhay. Ngayon po ay taas noo na ninyong masasabing “akin ito,” “ako na ang may ari nito.” Maipagmamalaki ito ng buong pamilya ninyo.

Ang SHFC ay nagsisilbing tulay para punuan ang puwang sa pagbibgay ng tahanan sa ating lipunan. Patuloy po naming pupunuin ang puwang na ito.

Ang ating Pangulo po at ang Kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development ay inatasan kami na lalo pang paramihin ang mga bahay para matugunan ang malaking pagkukulang sa pabahay. Kaya inilunsad po namin ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program o 4PH. Mapalad po ang mga taga-San Fernando at isa po ito sa mga unang-una na magiging benepisyaryo ng programang ito. Malaki po ang benepisyo ng ating mga kababayan dito: ang interest subsidy na magpapababa ng interest sa isang porsyento lamang at ang graduated amortization na lubos na magpapababa ng buwanang bayad. Inumpisahan na po namin ang proyektong ito at malamang na magkakaroon kami ng awarding ng mga unang beneficiaries sa taon ding ito. Kaya kung interesado po kayo ay magpalista na kayo sa pamahalaan ng San Fernando o sa SHFC. Nagpapasalamat din po ako kay Mayor Caluag at Vice Mayor Lagman at sa buong pamahalaan ng siyudad ng San Fernando sa buong-pusong suporta nila sa proyektong ito. Pati po ang Gobernador at Bise Gobernador ay nagpaabot na ng todo-suporta sa programa ng ating Pangulo.

Talaga pong inyad ku kang Sec. Acuzar a magumpisa kami keni Pampanga uling Capampangan ku pu. Niya pu misabi kami na keng Mayo mag schedule kaming munta ya keni ing kekatamung Presidente Bongbong Marcos at Sec. Jerry Acuzar. Pangaku ku pu a ing Pampanga muna ya kareng benepisyo na ning programang ini. Dakal la pu reng interesado keng programang ini. Keng kasulukuyan 1 milyon na la pu keng mabilog Pilipinas reng maka commit keng 4PH.

Muli, binabati ko po kayong lahat.

Dakal pung salamat.


Speech by SHFC President and CEO Federico A. Laxa at the 2023 Corporate Planning Activity in Clark, Pampanga

22 March 2023

It has been 6 months since I started with you and so far, it has been a very challenging journey. 

By now, I have a full grasp of why we are here, our worth, our importance, and our critical role in providing homes for the low and moderate-income population. 

I also know what sets us apart from others. We provide housing in consultation with the community that we serve. The community is the core of all these thereby promoting interrelationships, cooperation, participation, and collaboration as we work together towards our goal of bridging the homeownership gap. 

Apart from our regular programs: CMP, HDH, and other special projects, we have been asked to participate in the government’s national shelter program – the Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing or 4PH. 

In this corporate planning exercise, we will formulate a roadmap on how we can achieve our goals and objectives of providing as many homes as possible to low and moderate-income groups. 

The basic principle that we intend to pursue is to make our processes as simple as possible as complexity creates confusion, vagueness, and uncertainties. Uncertainties result in unpredictable outcomes. 

We have already taken this major step of improving our processes when we re-examined and modified our CMP framework and established the Community Guided Framework. 

We will also be guided by this principle as we implement our 4PH Projects to ensure the speedy delivery of housing units to the program’s intended beneficiaries. I will explain this as we present to you the initial list of projects that we will implement in support of this program. 

Additionally, we will also be guided by the principle of ensuring effective management of our resources. We must exert effort in liquefying some of our long-term receivables to improve corporate liquidity and allow us to undertake as many projects as possible. We will also source additional funds through the capital market or other financial schemes to reduce our dependency on annual government appropriations which are unpredictable and unreliable. 

Our goal is to ensure sustainable growth and prosperity. We can only do this if we manage our resources well, and achieve economies of scale and constant profitability. 

As we go through this exercise, we will discuss various strategies that will lead us to realize our long-term goals and objectives. 


Speech by SHFC President and CEO Federico A. Laxa at the Signing of the Memorandum of Understanding between the Social Housing Finance Corporation, Hilmarc’s Construction Corporation, and Kaerland Development Corporation

8 March 2023

Today we will sign our second MOU for SHFC’s 4PH Project. This project, Crystal Peak in the City of San Fernando, Pampanga, will generate a total of 8,352 units. This brings to 18,752 the total number of units that have been committed to SHFC for 4PH. This is the second among a series of MOUs that will be signed in the weeks and months to come.

This MOU Signing with our partner developers, Hillmarc’s Construction Corporation and Kaerland Development Corporation, is significant because this project will be the first among all the projects under 4PH that has formally started construction and will be ready for inspection by His Excellency, President Ferdinand Marcos, Jr. in May. Similar SHFC projects have started construction in Misamis Oriental and Davao City but Crystal Peak will be the first that will be inspected by the President with significant progress.

Yesterday, DHSUD Secretary Jerry Acuzar has conducted an inspection of this project together with other DHSUD Officials. We also met, for the second time, with San Fernando Mayor Vilma Caluag and made a presentation on this project to ensure her full support and cooperation. I will also be meeting with VG Lilia Pineda to discuss, inter alia, this project. We will be holding regular meetings with different agencies and other stakeholders to ensure the smooth implementation of this project.

We are done with groundbreakings, it is high time that we start building. And it is SHFC and its partners that will deliver.

I would like to thank our partners in this project – Hillmarc’s Construction Corporation and Kaerland Development Corporation – for believing in us and in our mission to bridge the enormous gap in providing housing for the low and moderate-income population. I thank also our SHFC people for their hard work – EVP Payot, our OP Technical Team – Isaias, Ken, and Christelle together with our technical consultants. Our legal team headed by Atty. Leo Deocampo. Our Central Luzon group led by Atty. Vista and Prandy. Atty. Salie, for the accreditation of our partners and for the numerous jobs ahead that she will do for these projects. And of course, the rest of the OP staff who consistently worked with me up to late hours every day to make all of these possible.

When completed, these projects will bring SHFC to greater heights.

Mabuhay and to our partners, let’s do it.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS