Transfer Certificate of Title (TCT) sa 24 Member-Beneficiaries

Published on 15 November 2023

BUTUAN CITY – Ipinamahagi ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang mga Transfer Certificate of Title (TCT) sa 24 member-beneficiaries, na binubuo ng 15 na kalalakihan at 9 na kababaihan, mula sa tatlong Homeowners Associations (HOA) sa Butuan City. Ang pamamahagi ng titulo ay naganap sa pagtatapos ng pagdiriwang ng National Shelter Month noong Oktubre 27, kung saan kasama ang mga benepisyaryo mula sa Butuan HOA, Sta. Cruz HOA, at Guingona HOA.

Nagbigay ng kani-kanilang mensahe sa mahalagang okasyon ang mga opisyal tulad ni Department of Human Settlements and Urban Development CARAGA Regional Director Cristie Reyes, SHFC Vice President for Northwestern Mindanao Engr. Felman Gilbang, at SHFC Caraga Satellite Office OIC Manager Merry Cris Berdin. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang Key Shelter Agencies sa lugar.

Kasama sa pagdiriwang ang isang 3D Rendering and Concept Presentation Competition, na nilahukan ni VP Gilbang bilang isa sa mga hurado. Si Engr. Gilbang ang kasalukuyang officer-in-charge para sa SHFC 4PH Projects Visayas & Mindanao. Bukod dito, ang mga partner mula sa Bislig City LGU, Municipality of Prosperidad, at Municipality of Lanuza ay dumalo sa okasyon.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS