Titulo para sa 18 member-beneficiary ng River Park HOA, Inc. Phase 2, naigawad ng SHFC
Published on 22 August 2024
Parañaque City – Ipinagkaloob ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang titulo ng lupa para sa labing-tatlong (13) kababaihan at limang (5) kalalakihang kasapi ng River Park HOA, Inc. Phases 1 & 2 noong ika-9 ng Agosto sa Sapang Palay, Maligaya, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.
Tinanggap ng 18 na mga miyembro ang kanilang Transfer Certificates of Title (TCT) mula kay Accounts Management Department-NCR South Manager Kevin Tan na kumatawan kay SHFC President & CEO Federico Laxa. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 taong anibersaryo ng Community Mortgage Program (CMP).
Binubuo ng 29 miyembro ang Phase 1 at 50 miyembro ang Phase 2 ng asosasyon. Sila ay ilan lamang isa sa mga komunidad na nagkaroon ng seguridad sa palupa sa pamamagitan ng CMP ng SHFC.