SHFC, nagsagawa ng financial management training sa iba’t ibang HOA
Published on 26 May 2025
Matagumpay na isinagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang Financial Management Training noong ika-21 ng Mayo sa SHFC Head Office sa Makati. Ang training ay dinaluhan ng 46 na kababaihan at 18 na kalalakihan na galing sa iba’t ibang Homeowners’ Association (HOA) sa NCR South.
Pinangunahan ni SHFC Insurance and Community Enhancement Department Manager Cezar Macaspac kasama si SHFC NCR South Manager Ofelia Nisperos ang training na naglalayong palawakin ang kaalaman sa pananalapi at kapasidad sa pamamahala ng mga lider at miyembro ng HOA para sa wastong pagpa-plano, pagbubudget, pag-uulat sa pananalapi at pamamahala ng pondo.
Nagbigay rin ng pambungad na pagbati si Program Development and Enhancement Group Vice President Atty. Maria Rosalie Richa Taguian.
Patuloy ang SHFC sa pagbibigay ng kaalamang pinansyal para sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng kanilang suporta sa mas maayos at mas matatag na pamumuhay ng mga komunidad.