๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ด ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—›๐—™๐—– ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜…๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ

Published on 30 Jul 2025


525466356_1163086099185163_7695133342723258280_n
520273698_1163087142518392_6471813375611844552_n
526337184_1163086995851740_1218287443784446827_n
525640864_1163086149185158_9132441283343866267_n
525787812_1163086209185152_5776604153684157746_n
524993236_1163086425851797_8154850217526180309_n
525780355_1163086315851808_7228727263487499561_n
524831558_1163086495851790_2430053620231792136_n
524607229_1163086689185104_1444080969239056480_n
524052101_1163086809185092_2682273671389161388_n
previous arrow
next arrow

Personal na binisita ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang Centennial Sunrise Homeownersโ€™ Association, Inc. sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ngayong Miyerkules, bilang bahagi ng preparasyon ng ahensya para sa take-out ng proyekto sa ilalim ng ๐—˜๐—ป๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ (๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ).

Ang ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ ay bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Alilng.

Ang nasabing inspeksyon ay isinagawa kasama sina Mega Manila Group Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim at Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr. Layunin ng pagbisita na alamin ang aktwal na kalagayan ng komunidad at tiyakin ang maayos na proseso tungo sa legal na pagmamay-ari ng mga lote ng 175 pamilyang bumubuo sa komunidad.

Sa kanyang pag-iikot, personal na kinumusta ni Laxa ang mga pamilya at inalam ang mga inisyatiba ng samahan para sa pagpapaunlad ng kanilang tirahan sa kabila ng kawalan pa ng pormal na titulo. Nakipag-dayalogo rin siya sa mga opisyales ng asosasyon, sa pangunguna ni Joseph Canasa, upang talakayin ang mga plano para sa mas maayos na pamumuhay ng mga residente.

โ€œAsahan po ninyo na gagabayan kayo ng SHFC sa patuloy na pagpapaunlad ng estado ng inyong pamumuhay. Bahagi ito ng ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ kung saan hindi lang pabahay ang tinutugunan ng ahensya kundi pati ang kabuuang pag-unlad ng komunidad,โ€ pahayag ni Laxa.

Isa sa mga hakbang na tinitingnan ng SHFC ay ang pakikipag ugnayan sa ibaโ€™t-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) para sa mga livelihood at skills training na maaaring ipatupad sa Centennial Sunrise HOA at iba pang CMP communities.

Lubos naman ang naging kasiyahan ng mga miyembro ng asosasyon na matagal nang umaasa sa programa ng SHFC. โ€œMatagal na po naming pangarap na mapasama sa CMP,โ€ ani Canasa. โ€œMalaking tulong po ang SHFC dahil ito lang talaga ang tanging pag-asa namin para tuluyang mapasakamay ang lupa.โ€

Kasama sa isinagawang site inspection ang ilang miyembro ng CMP Task Force kabilang sina Central Luzon 4PH Head Prandy Vergara at Regional Engineers and Architects Group Manager Engr. Manuel Driz, Jr. Dumalo rin sina NCR North Manager Jeannie Furiscal at NCR South Manager Ofelia Nisperos.

#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #4PHx

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS