Pagbati sa ika-anim na anibersaryo ng DHSUD

Published on 14 February 2025


Isang mainit na pagbati sa Department of Human Settlements and Urban Development sa pagdiriwang ng ika-anim nitong anibersaryo.

Bilang katuwang na Key Shelter Agency, ang Social Housing Finance Corporation ay buong-pusong nakikiisa sa kagawaran, sa pamumuno ni Secretary Jose Rizalino Acuzar, sa patuloy na pagbibigay ng disente at abot-kayang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Sa ngalan ni SHFC President at CEO Federico Laxa, at ng buong hanay ng mga opisyal at kawani ng SHFC, ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pagbati—Maligayang Anibersaryo, DHSUD Family!

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS