Mahigit 800 pamilya, makikinabang sa 4 na bagong aprubang ECMP projects
Published on 30 July 2025
Pinangunahan ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang pag-apruba sa apat na bagong proyekto sa ilalim ng ๐๐ป๐ต๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ ๐ผ๐ฟ๐๐ด๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐๐๐ ๐ฃ) ngayong arawโilang linggo lamang matapos muling buhayin ang implementasyon ng CMP bilang bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Ito ay tugon ng SHFC sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga mahihirap.
Kabilang sa mga naaprubahang proyekto ang Centennial Sunrise HOA sa Pasig City, Wawang Pulo HOA Phase 1 sa Valenzuela City, at Pinag-isang Magkakapitbahay ng Miranda Compound HOA Phases 1 and 2 sa San Fernando City, Pampanga.
Sa kabuuan, mahigit 800 pamilya mula sa mga nasabing komunidad ang mabibigyan ng seguridad sa paninirahan. Kabilang sa mga makikinabang ang mga manggagawa sa informal at formal sectors tulad ng mga street vendors, construction at factory workers, online sellers, delivery riders, nurses, call center agent, at teachers.
โPatunay ito sa patuloy na pagsisikap ng SHFC na maghatid ng inkulusibong programa para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan,โ saad ni Laxa. โSimula pa lamang ito ng pagbabago para sa pamilyang makikinabang sa programang ito.โ
Kasama ni Laxa sa pagsusuri ng aplikasyon ng mga bagong ๐๐๐ ๐ฃ projects sina Support Cluster Senior Vice President Atty. Leo Deocampo, Resettlement Services Vice President Bob Flores, Treasury Vice President Jason Yap, at Finance and Comptrollership Vice President Dante Anabe, at Compliance Officer and Board Secretary Atty. Karoline Abello-Tordecilla.
Dumalo rin sina Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., Mega Manila Vice President Engr. Elsa Calimlim, at 4PH Central Luzon Head Prandy Vergara.
#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #4PHx