Konstruksyon ng Laon Phase 3, opisyal nang sinimulan

Published on 12 February 2025


477403701_1030806645746443_3452306138465872406_n
476833051_1030806269079814_5557920523252271916_n
476852215_1030806289079812_345285792593453457_n
477584218_1030806215746486_8479408473925339809_n
previous arrow
next arrow

Isinagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) kasama ng local government unit ng Valenzuela City at Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa tulong ni Senator Win Gatchalian at Department of Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng lima sa 12 na gusali ng Laon HOA’s Federation Phase 3 sa Barangay Veinte Reales sa Valenzuela City, ngayong araw.

Bilang kinatawan ni President at CEO Federico Laxa, pinangunahan nina SHFC Mega Manila Group Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim at Mayor Wes Gatchalian ang seremonya para sa itatayong 240 housing units sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Kasama rin pagdiriwang sina DPWH District Engr. Ruel Umali at LGU-Valenzuela OIC-Housing and Resettlement Office Elenita Reyes. Dumalo sa groundbreaking sina SHFC Board Director Ronald Barcena, SHFC Program Development and Enhancement Group Vice President Atty. Maria Rosalie Richa Taguian, Insurance and Community Enhancement Department Manager Cesar Macaspac, NCR North Manager Jeannie Furiscal, at MMG Regional Engineer, Engr. John Lee.

Ang Laon HOA’s Federation ang unang pinakamalaking onsite resettlement project ng SHFC. Noong nakaraang taon, opisyal na naigawad ang mahigit 300 na housing units sa Laon HOA’s Federation Phase 1. Samantala, patuloy ang konstruksyon ng Phase 2 na magbibigay ng permanenteng pabahay para 528 pamilya.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS