Groundbreaking ng 4PH project para sa 2,000 pamilya sa Laguna inilunsad ng SHFC

Published on 27 November 2024


468646298_975824934577948_3653636731687122840_n
468450599_975824977911277_1923932352548312558_n
468339162_975824991244609_3428614300375487315_n
468693875_975825034577938_5445654294841683677_n
468443105_975824947911280_63467559950923614_n
previous arrow
next arrow

Opisyal nang sisimulan ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang konstruksyon ng 17 na gusali na magbibigay ng permanenteng tirahan para sa higit 2,000 miyembro-benepisyaryo ng Bagong Los Baños Residences matapos ang groundbreaking at capsule-laying ceremony na idinaos ngayong araw.

Pinangunahan ni SHFC President and CEO Federico Laxa, kasama si Municipal Mayor Anthony Genuino at Department of Human Settlements and Urban Development IV-A Director Atty. Jean Paul Ilao, ang seremonya na isinagawa sa Brgy. Anos, Los Baños, Laguna.

Ang Bagong Los Baños Residences ay isang proyekto ng SHFC sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ito ay bubuuin ng 17 na gusali na may tig-lilimang palapag na gusali na may iba’t-ibang pasilidad.

Sa patnubay ni DSHUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang SHFC ay kasalukuyang nagtatayo ng 12 4PH projects sa iba’t-ibang panig ng bansa na maghahatid ng mahigit 45,000 units. Sa kabuuan ay mayroon nang mahigit 100 4PH projects ang SHFC, kabilang na ang Bagong Los Baños Residences.

Dumalo rin sa okasyon sina dating Pagcor Chair Efraim Genuino, mga konsehal ng Los Baños, at ilang senior officers ng SHFC, kabilang sina Support Cluster Senior Vice President Atty. Leo Deocampo, Recovery Projects Vice President Annicia Villafuerte, South Luzon Vice President Jimmy Manes, at Laguna Branch Manager James Mabulay.

Sinaksihan din ng mahigit 1,000 katao, kabilang na ang mga miyembro-benepisyaryong titira sa itatayong pabahay, ang nasabing seremonya.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS