Dalawang dekadang pangarap na seguridad sa paninirahan ng Valenzuela community, matutupad na dahil sa CMP
Published on 5 Aug 2025
Valenzuela CityโWalang pagsidlan ang tuwa ng mga miyembro ng Wawangpulo Homeownersโ Association, Inc. Phase 1 nang personal na ianunsyo ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang pag-apruba ng ahensya sa kanilang aplikasyon sa ๐๐ป๐ต๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ ๐ผ๐ฟ๐๐ด๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐๐๐ ๐ฃ).
Ang ๐๐๐ ๐ฃ ay bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa ilalim ng liderato ni Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) Secretary Jose Ramon Aliling.
Sa kanyang pagbisita ngayong Martes ng hapon, kinumusta ni President Laxa ang kalagayan ng mga residente at inikot ang mga pasilidad ng komunidad. Nagkaroon din ng dayalogo sa mga miyembro kung saan tiniyak ni President Laxa ang pagbibigay ng iba pang suporta mula sa SHFC, kabilang na ang mga libreng livelihood training mula sa niilulutong partnership ng ahensya at iba pang government agencies gaya ng TESDA.
Ibinahagi rin nya na maaari nang isama sa kanilang loan ang pag-individualize ng titulo at maging ang processing fees upang mas mapabilis ang pagsasaayos ng mga dokumento.
โGinawa po naming transformative ang approach ng ๐๐๐ ๐ฃ. Hindi po ito natatapos lamang sa pagpapabigay ng financing para sa lot acquisition,โ ani Laxa. โIt is not just about shelter, but shelter and beyond.โ
Nagpa-abot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga miyembro ng asosasyon sa SHFC sa mabilis na aksyon at pagbibigay-pansin sa kanilang aplikasyon. Ayon sa HOA president na si William Asunsion, Jr., dalawang dekada na nilang inaasam na mapasakamay ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Ngayon, sa tulong ng ๐๐๐ ๐ฃ, unti-unti na nilang makakamit ang matagal na nilang pangarap.
Kasama ni President Laxa sa isinagawang community visit sina Mega Manila Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim, Resettlements Group Vice President Bob Flores, Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., at Regional Engineers and Architects Manager Manuel Driz, Jr. Naroon din ang kinawatan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na si Housing and Resettlement Office Head Ellen Reyes.
Bagamaโt bumuhos ang malakas na ulan, hindi ito naging hadlang upang makapanayam ni President Laxa, kasama ang mga miyembro ng Wawangpulo HOA, sina DHSUD Director Mario Mallari at Assistant Director Atty. Cristine Bello sa kanilang programa sa Radyo Pilipinas. Tinalakay sa โKapihan sa DHSUDโ ang mga inisyatibo ng SHFC para sa matagumpay na implementasyon ng ๐๐๐ ๐ฃ sa buong bansa.
#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #CMPat37 #4PHx