31st NATIONAL FAMILY WEEK
Published on 25 September 2023

Sa bisa ng Memorandum Circular No. 32 na may petsang Setyembre 21, 2023, ang mga tanggapan ng SHFC sa buong bansa ay bukas lamang hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong araw ng Lunes, Setyembre 25.
Ito ay alinsunod sa itinakdang pagdiriwang ng ika-31 National Family Week ayon sa Proklamasyon Blg. 60, at pagdiriwang din ng Kainang Pamilya Mahalaga Day na alinsunod naman sa Proklamasyon No. 326 ng 2012.
Layunin nito na magbigay daan sa mga kawani ng gobyerno na makapaglaan ng mas mahabang oras na magkasama-sama ang kanila-kanilang pamilya sa bawat tahanan.