Dalawang dekadang pangarap na seguridad sa paninirahan ng Valenzuela community, matutupad na dahil sa CMP

Published on 5 Aug 2025


528030110_1168137412013365_8260022816905793580_n
527741627_1168137465346693_689506301437907172_n
527800546_1168137528680020_231364481738108742_n
528567865_1168137408680032_5673292138385164992_n
527670614_1168137532013353_7139840213927261204_n
527885007_1168137495346690_1360058738617987845_n
527737438_1168137458680027_4151100082455765855_n
528637728_1168138668679906_7836462677673808304_n
previous arrow
next arrow

Valenzuela Cityโ€”Walang pagsidlan ang tuwa ng mga miyembro ng Wawangpulo Homeownersโ€™ Association, Inc. Phase 1 nang personal na ianunsyo ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang pag-apruba ng ahensya sa kanilang aplikasyon sa ๐—˜๐—ป๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ (๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ).

Ang ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ ay bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa ilalim ng liderato ni Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD) Secretary Jose Ramon Aliling.

Sa kanyang pagbisita ngayong Martes ng hapon, kinumusta ni President Laxa ang kalagayan ng mga residente at inikot ang mga pasilidad ng komunidad. Nagkaroon din ng dayalogo sa mga miyembro kung saan tiniyak ni President Laxa ang pagbibigay ng iba pang suporta mula sa SHFC, kabilang na ang mga libreng livelihood training mula sa niilulutong partnership ng ahensya at iba pang government agencies gaya ng TESDA.

Ibinahagi rin nya na maaari nang isama sa kanilang loan ang pag-individualize ng titulo at maging ang processing fees upang mas mapabilis ang pagsasaayos ng mga dokumento.

โ€œGinawa po naming transformative ang approach ng ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ. Hindi po ito natatapos lamang sa pagpapabigay ng financing para sa lot acquisition,โ€ ani Laxa. โ€œIt is not just about shelter, but shelter and beyond.โ€

Nagpa-abot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga miyembro ng asosasyon sa SHFC sa mabilis na aksyon at pagbibigay-pansin sa kanilang aplikasyon. Ayon sa HOA president na si William Asunsion, Jr., dalawang dekada na nilang inaasam na mapasakamay ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Ngayon, sa tulong ng ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ, unti-unti na nilang makakamit ang matagal na nilang pangarap.

Kasama ni President Laxa sa isinagawang community visit sina Mega Manila Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim, Resettlements Group Vice President Bob Flores, Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., at Regional Engineers and Architects Manager Manuel Driz, Jr. Naroon din ang kinawatan ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na si Housing and Resettlement Office Head Ellen Reyes.

Bagamaโ€™t bumuhos ang malakas na ulan, hindi ito naging hadlang upang makapanayam ni President Laxa, kasama ang mga miyembro ng Wawangpulo HOA, sina DHSUD Director Mario Mallari at Assistant Director Atty. Cristine Bello sa kanilang programa sa Radyo Pilipinas. Tinalakay sa โ€œKapihan sa DHSUDโ€ ang mga inisyatibo ng SHFC para sa matagumpay na implementasyon ng ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ sa buong bansa.

#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #CMPat37 #4PHx

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS