Mahigit 800 pamilya, makikinabang sa 4 na bagong aprubang ECMP projects

Published on 30 July 2025


525714242_1163902432436863_4740253740645528720_n
525576159_1163902309103542_8155639735765832738_n
525788331_1163902419103531_2021739485977732469_n
526018857_1163902349103538_2576017010447882555_n
526629469_1163902385770201_8766193934447043050_n
525412245_1163902315770208_8350334028639575044_n
526485291_1163902335770206_2443253132343405459_n
526857067_1163902365770203_6671299191707983224_n
previous arrow
next arrow

Pinangunahan ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang pag-apruba sa apat na bagong proyekto sa ilalim ng ๐—˜๐—ป๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ (๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ) ngayong arawโ€”ilang linggo lamang matapos muling buhayin ang implementasyon ng CMP bilang bahagi ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

Ito ay tugon ng SHFC sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling na bigyang prayoridad ang kapakanan ng mga mahihirap.

Kabilang sa mga naaprubahang proyekto ang Centennial Sunrise HOA sa Pasig City, Wawang Pulo HOA Phase 1 sa Valenzuela City, at Pinag-isang Magkakapitbahay ng Miranda Compound HOA Phases 1 and 2 sa San Fernando City, Pampanga.

Sa kabuuan, mahigit 800 pamilya mula sa mga nasabing komunidad ang mabibigyan ng seguridad sa paninirahan. Kabilang sa mga makikinabang ang mga manggagawa sa informal at formal sectors tulad ng mga street vendors, construction at factory workers, online sellers, delivery riders, nurses, call center agent, at teachers.

โ€œPatunay ito sa patuloy na pagsisikap ng SHFC na maghatid ng inkulusibong programa para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap nating kababayan,โ€ saad ni Laxa. โ€œSimula pa lamang ito ng pagbabago para sa pamilyang makikinabang sa programang ito.โ€

Kasama ni Laxa sa pagsusuri ng aplikasyon ng mga bagong ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ projects sina Support Cluster Senior Vice President Atty. Leo Deocampo, Resettlement Services Vice President Bob Flores, Treasury Vice President Jason Yap, at Finance and Comptrollership Vice President Dante Anabe, at Compliance Officer and Board Secretary Atty. Karoline Abello-Tordecilla.

Dumalo rin sina Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., Mega Manila Vice President Engr. Elsa Calimlim, at 4PH Central Luzon Head Prandy Vergara.

#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #4PHx

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS