20 titulo, opisyal nang nailipat sa mga miyembro-benepisyaryo sa Laguna

Published on 13 December 2024


Matagumpay nang nailipat ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang Transfer Certificates of Title (TCT) sa 20 miyembro-benepisyaryo (10 lalaki at 10 babaeng kasapi) ng Lupa Sitio Maligaya III Homeowners Association, Inc. sa San Pedro City, Laguna noong ika-12 ng Disyembre.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Accounts Management Group (AMG) South Luzon 1 Manager Dulce Abusman, na kumatawan kay SHFC President at CEO Federico Laxa. Kabilang din sa mga dumalo si AMG South Luzon 1 Chief of Division Eva Brenda Amo at mga kinatawan mula sa collections team ng nasabing groupo.

Ang Lupa Sitio Maligaya III HOA, Inc ay naitatag noong Marso 2006 at binubuo ng 147 na mga miyembro.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS