SHFC PUBLIC ADVISORY 08 | 23 September 2024

Published on 23 September 2024


Sa bisa ng Memorandum Circular No. 64, ang mga tanggapan ng SHFC sa buong bansa ay bukas lamang hanggang alas-3:00 ng hapon ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23.

Alinsunod sa Proclamation No. 60 (S.1992), idineklara ang huling linggo ng Setyembre ng bawat taon bilang Family Week. Kaugnay nito, batay naman sa Proclamation No. 326 (S.2012) na nagdeklara sa ika-apat na Lunes ng Setyembre ng bawat taon bilang “Kainang Pamilya Mahalaga Day.”

Ngayong araw, ipagdiwang natin ang mga simpleng sandali na kasama natin ang ating pamilya sa hapag. Nawa’y maging daan ito upang maiparamdam natin ang pagmamahal sa bawat isa.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS