𝗦𝗛𝗙𝗖 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦

Published on 2 February 2024

Nakiisa ang Social Housing Finance Corporation sa isinagawang Kickoff Rally para sa kampanyang Bagong Pilipinas na dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ng mga opisyal ng pamahaalan sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila noong Enero 28.

Pinangunahan ni SHFC President and CEO Federico Laxa ang delegasyon ng SHFC, kasama ang iba’t-ibang Key Shelter Agencies sa ilalim ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Inihayag ng ahensya ang pagsuporta nito sa pagsusulong ng #BagongPilipinas upang patuloy na bumuo ng mga komunidad na mayroong sariling disente at ligtas na tahanan.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS