SHFC, Nakiisa sa Pagdiriwang ng ika-127 Araw ng Kalayaan
Published on 12 Jun 2025
Nakiisa ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na ginanap ngayong umaga sa Rizal Park, Manila. Pinangunahan ang makasaysayang selebrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Pinamunuan ni SHFC President at CEO Federico Laxa ang delegasyon ng ahensya na binubuo ng mahigit 100 kawani mula sa iba’t ibang departamento at opisina.
Ayon kay Laxa, kaisa ang SHFC ng sambayanang Pilipino sa paggunita sa mahalagang araw na ito na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” Aniya, “Ang ating pagkakaisa ngayong araw ay paalala ng ating sama-samang pagsisikap tungo sa isang mas ligtas, maunlad, at makatarungang kinabukasan para sa bawat pamilyang Pilipino.”
Dumalo rin sa flag raising ceremony at parada ng kalayaan ang iba pang opisyal ng ahensya, kabilang sina Executive Vice President Atty. Junefe Payot at Senior Vice President Atty. Leo Deocampo.
Nakiisa rin sa seremonya sina Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr., Finance and Comptrollership Vice President Dante Anabe, Treasury Vice President Jason Yap, at 4PH Central Luzon Head Prandy Vergara.
#SHFC #KaagapayNgKomunidad #Expanded4PH #ArawNgKalayaan2025 #KalayaanKinabukasanKasaysayan #BagongPilipinas