SHFC, nagsagawa ng tree planting activity

Published on 17 August 2024


Nagsagawa ng tree planting activity ang Social Housing Finance Corporation sa temang “Community Tree Planting for Eco-Friendly CMP Communities” sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon Province kaninang umaga.

Kasama sa pagtatanim ng 250 calamansi seedlings ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang asosasyon, kabilang ang St. Agnes HOA, Inc.; San Agustin HOA, Inc.; San Isidro HOA, Inc.; Pinagsikapan HOA, Inc.; San Vicente HOA, Inc.; Villafuerte-Suarez Village HOA, Inc. Phase I; Villafuerte-Suarez Village HOA, Inc. Phase III; Villafuerte-Suarez Village HOA, Inc. Phase I; Villafuerte-Suarez Village HOA, Inc. Phase I-A; at Villafuerte-Suarez Village HOA, Inc. Phase II-A.

Ang calamansi seedlings ay mula sa pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Lucena.

Pinangunahan ni SHFC South Luzon Group Vice President Jimmy Manes, na kumatawan kay SHFC President and CEO Federico Laxa ang nasabing aktibidad. Kabilang sa mga nakiisa ang mga personnel mula sa SHFC Corporate Planning and Communications Group at SHFC Lucena Branch.

Lumahok din sa “green initiative” si Ibabang Iyam Federation President Rodante Morales, kasama ang 134 na kalalakihan at 136 na kababaihang miyembro-benepisyaryo ng CMP.

Ang tree planting ay kabilang sa serye ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Community Mortgage Program ngayong Agosto na may temang “Empowering SHFC Communities: Celebrating Responsible Homeownership Through CMP.”

Patuloy na nilalayon ng SHFC na iangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga komunidad sa pamamagitan ng programang pabahay kasabay ng pagtataguyod ng mga aktibidad na nangangalaga at nagbibigay halaga sa kapaligiran.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS