SHFC nagsagawa ng Mural Painting Activity
Published on 27 August 2024
Marilao, Bulacan – Isinagawa ng mga kawani ng Social Housing Finance Corporation ang isang mural painting activity noong Agosto 21 sa Apawan Village HOA Inc., Ph. 3, sa Marilao, Bulacan. Ito ay dinaluhan ng 24 na kababaihan at 16 na kalalakihang miyembro ng nasabing asosyason.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni SHFC Corporate Planning and Communications Group Vice President Florencio Carandang, Jr., na kumatawan kay SHFC President at CEO Federico Laxa. Kasama ring lumahok ang mga personnel mula sa SHFC Corporate Planning and Communications Group, Accounts Management Department Luzon 2, at Bulacan Branch.
Aktibo ring sumali sa mural activity and mga mural visual artists mula sa Bocaue Artist Club na sina Jimmy Azucena at Jeffrey Azucena.
Ang mural painting activity ay kabilang sa serye ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika 36-anibersaryo ng Community Mortgage Program ngayong Agosto na may temang “Empowering SHFC Communities: Celebrating Responsible Homeownership Through CMP.”