SHFC, nagsagawa ng financial literacy training para sa 800 na miyembro-benepisyaryo mula sa Bulacan
Published on 07 November 2024
Mahigit 800 miyembro-benepisyaryo ang lumahok sa Financial Literacy Training na isinagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa pagdiriwang ng Housing Fair: Asensong Ramdam sa San Jose del Monte City Convention Center sa Bulacan noong ika-6 ng Nobyembre.
Pinangasiwaan ng Insurance and Community Enhancement Division (ICED) sa pamumuno ni Atty. Maria Rosalie Richa Taguian, Vice President ng Partner Relations Group ang nasabing training. Ipinaliwanag ni ICED Manager Cezar Macaspac ang wastong pagba-budget at pag-iipon upang matugunan ang kanilang pangangailangan at makaipon para sa hinaharap.
Ang SHFC ay patuloy na magbibigay ng kaalamang pinansyal para sa mga miyembro-benepisyaryo upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.