Pinalawak na information drive sa mga proseso ng SHFC, matagumpay na naisagawa sa unang araw

Published on 21 October 2024


Matagumpay na isinagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang unang araw ng libreng pagbibigay ng oryentasyon hinggil sa mahahalagang mga transaksyon at proseso sa Ahensyang saklaw ang mga usapin ng Title Individualization, Capital Gains Tax Exemption (CGTE), Insurance Coverage and Death Claims at Collection para sa mga miyembro-benepisyaryo (MB) ng SHFC.

Nitong nagdaang Biyernes, October 18, natapos ang unang batch ng serye ng mga orientation sa SHFC Head Office sa Makati. Pinangunahan ito ni Title Utilization and Acquired Assets Management Group (TUAMG) Vice President Marissa Diestro. Layunin ng orientation na maipaliwanag sa mga miyembro ang mga transaksyon at proseso ng ahensya matapos ang takdang aprubasyon ng kanilang loan. Naging tugon na rin ito sa karaniwang mga kahilingan ng MBs.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang input sina TUAMG VP Diestro at Engr. Sean Aurelio Garcia III para sa Title Individualization. Naging katuwang rin sa talakayan si Insurance and Community Enhancement Department Manager Cesar Macaspac sa mga usapin sa Insurance Coverage at Death Claims, Margeline Kate Moncada ng Gender and Development (GAD), at Rose Cobeng ng SHFC-Quezon City Central upang talakayin ang isyu ng Collection.

Inaaasahan pa ang susunod na mga batch ng training sa mga MBs hanggang Nobyembre 29. Ayon kay Diestro, malaking tulong rin ito upang paunlarin sa pagitan ng SHFC at ng MBs ang pagtutulungan para sa mas mabilis at mabisang mga transakyon.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS