๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐ด ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐, ๐ฏ๐ถ๐ป๐ถ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ถ ๐ฆ๐๐๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐๐๐ ๐ฃ
Published on 30 Jul 2025
Personal na binisita ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa ang Centennial Sunrise Homeownersโ Association, Inc. sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City ngayong Miyerkules, bilang bahagi ng preparasyon ng ahensya para sa take-out ng proyekto sa ilalim ng ๐๐ป๐ต๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ ๐ผ๐ฟ๐๐ด๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐๐๐ ๐ฃ).
Ang ๐๐๐ ๐ฃ ay bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa ilalim ng pangangasiwa ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Alilng.
Ang nasabing inspeksyon ay isinagawa kasama sina Mega Manila Group Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim at Corporate Planning and Communications Vice President Florencio Carandang, Jr. Layunin ng pagbisita na alamin ang aktwal na kalagayan ng komunidad at tiyakin ang maayos na proseso tungo sa legal na pagmamay-ari ng mga lote ng 175 pamilyang bumubuo sa komunidad.
Sa kanyang pag-iikot, personal na kinumusta ni Laxa ang mga pamilya at inalam ang mga inisyatiba ng samahan para sa pagpapaunlad ng kanilang tirahan sa kabila ng kawalan pa ng pormal na titulo. Nakipag-dayalogo rin siya sa mga opisyales ng asosasyon, sa pangunguna ni Joseph Canasa, upang talakayin ang mga plano para sa mas maayos na pamumuhay ng mga residente.
โAsahan po ninyo na gagabayan kayo ng SHFC sa patuloy na pagpapaunlad ng estado ng inyong pamumuhay. Bahagi ito ng ๐๐๐ ๐ฃ kung saan hindi lang pabahay ang tinutugunan ng ahensya kundi pati ang kabuuang pag-unlad ng komunidad,โ pahayag ni Laxa.
Isa sa mga hakbang na tinitingnan ng SHFC ay ang pakikipag ugnayan sa ibaโt-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) para sa mga livelihood at skills training na maaaring ipatupad sa Centennial Sunrise HOA at iba pang CMP communities.
Lubos naman ang naging kasiyahan ng mga miyembro ng asosasyon na matagal nang umaasa sa programa ng SHFC. โMatagal na po naming pangarap na mapasama sa CMP,โ ani Canasa. โMalaking tulong po ang SHFC dahil ito lang talaga ang tanging pag-asa namin para tuluyang mapasakamay ang lupa.โ
Kasama sa isinagawang site inspection ang ilang miyembro ng CMP Task Force kabilang sina Central Luzon 4PH Head Prandy Vergara at Regional Engineers and Architects Group Manager Engr. Manuel Driz, Jr. Dumalo rin sina NCR North Manager Jeannie Furiscal at NCR South Manager Ofelia Nisperos.
#SHFC #KaagapayNgKomunidad #ECMP #4PHx