Pambansang Pabahay: Matibay na saligan ng mapayapang pamayanan

Published on 4 October 2023

Dinaluhan ni SHFC President & CEO Federico Laxa ang pormal na pagbubukas ng 2023 National Shelter Month sa isang seremonyang pinangunahan ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte noong October 2.

Sa temang “Pambansang Pabahay: Matibay na saligan ng mapayapang pamayanan,” ibinida ng SHFC ang sarili nitong exhibit na nagtatampok sa 4PH, flagship na programang pabahay ng pamahalaan, at iba pang programa ng ahensya.

Katuwang ng SHFC ang iba’t-ibang Key Shelter Agencies, pribadong sektor at Local Government Units sa tuluy-tuloy na implementasyon at pagpapaunlad ng #PambansangPabahay para sa milyun-milyong pamilyang Pilipino.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS