Pamaskong handog ng SHFC sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan Valley at Bicol

Published on 23 December 2024


Ilang araw bago mag-Pasko, nagsagawa ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) ng Christmas Relief Drive para sa higit 1,100 miyembro-benepisyaryo na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Cagayan Valley at Bicol Region.

Ang relief operations ay isinagawa sa mga bayan ng Aparri at Lal-lo noong Disyembre 21 kung saan 656 miyembro mula sa Maura Rotary Village HOAI, Tabacalera CMP HOAI, at Minanga Aparri CMP HOAI ang tumanggap ng munting pamaskong handog mula sa ahensya.

Kasabay nito, nakatanggap din ng relief goods ang 456 miyembro-benepisyaryo mula sa Pili at Naga, Camarines Sur at Daet, Camarines Norte.

Ang relief drive ay bahagi ng tugon ng SHFC sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magdaos ng simpleng pagdiriwang ng Pasko at i-donate ang anumang matitipid mula sa mas payak na selebrasyon para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS