Pag-usad ng ECMP projects, iniulat ni President Laxa kay DHSUD Secretary Aliling

Published on 8 Aug 2025


529127832_1169768885183551_5810608169060839137_n
529420434_1169768948516878_6600327597559486924_n
528745678_1169769068516866_5722725653685943765_n
529332215_1169769028516870_3220403430608652086_n
528662867_1169768971850209_2093899720472652906_n
529455181_1169769038516869_5417720406389185709_n
529472875_1169768978516875_1058450911893765263_n
528493779_1169768941850212_130067481833285089_n
previous arrow
next arrow

Iprinisenta ni Social Housing Finance Corporation (SHFC) President at CEO Federico Laxa kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Ramon Aliling ang pinakabagong mga kaganapan sa implementasyon ng ๐—˜๐—ป๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ (๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ) sa ginanap na pagpupulong sa tanggapan ng kagawaran sa Quezon City ngayong araw.

Ang ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ ay tugon ng SHFC sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tiyakin ang agarang pagpapatupad ng mga programang pabahay para sa mga mahihirap sa ilalim ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PHx) Program.

Ibinahagi ni President Laxa na halos 1,000 pamilya na ang makikinabang sa unang limang ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ projects na naaprubahan kamakailan. Kabilang dito ang Centennial Sunrise HOA sa Pasig City, Wawangpulo HOA Phase 1 sa Valenzuela, Pinag-isang Magkakapitbahay ng Miranda Compound Phases 1 at 2 sa San Fernando, Pampanga, at Pagkamoot Village-1 HOA sa Tabaco City, Albay.

Tiniyak niya na patuloy ang masusing pagsusuri ng mga aplikasyon upang mas mabilis na maipagkaloob ang mga lupa para sa katiyakan sa paninirahan ng mga pamilya sa ibaโ€™t-ibang parte ng bansa.

Ibinahagi rin ni President Laxa ang mga isinagawang pagbisita sa mga ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ communities upang personal na Makita ang kalagayan ng mga residente at matukoy ang karagdagang suportang maaaring maibigay ng ahensya bilang bahagi ng transformative approach na isinusulong ng SHFC.

Samantala, nagbigay naman ng mungkahi ang mga kinatawan ng civil society organizations upang lalong mapahusay ang implementasyon ng ๐—˜๐—–๐— ๐—ฃ at matiyak na tumutugon ito sa tunay na pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga nag-ambag ng suhestyon sina Dr. Nathaniel โ€œDinkyโ€ von Einsiedel ng Consultants for Comprehensive Environmental Planning, Inc. (CONCEP), Ma. Ana Oliveros ng LinkBuild, at Maricel Genzola ng Federation for the Development of the Urban Poor.

Dumalo rin sa pagpupulong ang ilang opisyal ng SHFC kabilang sina Support Cluster Senior Vice President Atty. Leo Deocampo, Resettlement Services Vice President Bob Flores, at 4PH Central Luzon Head Prandy Vergara.

#SHFC #ECMP #CMPat37 #4PHx #PambansangPabahay #KaagapayNgKomunidad

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS