Mas pinalawak na information drive sa mga proseso ng SHFC, matagumpay na naisagawa sa ikalawang pagkakataon

Published on 07 February 2025


476582073_1027077102786064_2769253827934908281_n
476479900_1027076749452766_6480332985734203519_n
476540946_1027076752786099_2481267654250862857_n
476571717_1027076759452765_854918914298416800_n
previous arrow
next arrow

Matagumpay na naisagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang ikalawang batch ng libreng oryentasyon hinggil sa mahahalagang mga transaksyon at proseso, kabilang ang mga usapin sa Title Individualization, Capital Gains Tax Exemption (CGTE), Insurance Coverage and Death Claims, at Collection para sa mga miyembro-benepisyaryo (MB) ng ahensya ngayong araw sa SHFC Makati head office.

Pinangunahan ni Title Utilization and Acquired Assets Management Group (TUAMG) Vice President Marissa Diestro ang oryentasyon na may layuning maipaliwanag sa mga miyembro ang mga transaksyon at proseso ng ahensya pagkatapos ng aprubadong loan. Ayon kay Diestro, malaki ang magiging tulong ng oryentasyon upang mas mapadali ang proseso, hindi lamang sa mga miyembro gayundin sa mga empleyado ng SHFC.

Nagbigay rin ng kani-kanilang input sa talakayan sina Engr. Sean Aurelio Garcia III, Engr. Clarence Samson, at Jerome Cabacungan para sa Title Individualization at Maychelle Torzar sa Capital Gains Tax Exemption.

Naging katuwang din si Insurance and Community Enhancement Department Manager Cesar Macaspac na tinalakay ang mga usapin sa Insurance Coverage at Death Claims, at Allan Romero ng SHFC-NCR Central para sa isyu ng Collection.

May mga susunod pang training para sa mga MBs hanggang Pebrero 28. Ang oryentasyon ay unang isinagawa noong Oktubre 2024 at ipinagpatuloy ngayong buwan upang matulungan ang mas maraming benepisyaryo sa mga proseso ng SHFC.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS