Mahigit 60 Miyembro ng Mapalad Ka HOA lumahok sa Gender Sensitivity Training
Published on 10 Jun 2025
Isinagawa ng Gender and Development (GAD) Unit ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang Basic Gender Sensitivity Training para sa mahigit 60 miyembro-benepisyaryo ng Mapalad Ka HOA, Inc. kaninang umaga sa Amparo Nature Park, Caloocan City.
Pinangunahan ni SHFC Internal GAD Resource Person Margeline Kate Moncada, kasama si Community Enhancement Department Manager Cezar Macaspac, ang nasabing pagsasanay na dinaluhan ng 30 lalaki at 36 babae. Layunin ng training na palawakin ang kamalayan ng mga kalahok sa mga usapin patungkol sa kasarian at pagkakapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan sa kanilang komunidad.
Bahagi rin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa mahahalagang papel ng GAD para sa inklusibo at maunlad na pamayanan na magagamit ng mga miyembro sa kanilang tungkulin sa asosasyon.
#SHFC #KaagapayNgKomunidad #SHFCGAD #PambansangPabahay #Expanded4PH