Mahigit 300 housing units, ipinagkaloob ng SHFC sa Valenzuela
Published on 28 November 2024
Nagsagawa ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) ng ceremonial turnover para sa 336 na housing units na magbibigay ng permanenteng pabahay para sa mga miyembro-benepisyaryo ng Laon HOA’s Federation Inc. Phase 1 sa Barangay Veinte Reales, Valenzuela City ngayong Huwebes.
Pinangunahan ni SHFC President and CEO Federico Laxa, kasama sina Valenzuela City Mayor Weslie Gatchalian, DHSUD Undersecretary Samuel Young, at Valenzuela City Vice Mayor Lorie Natividad Borja ang turnover ng ceremonial key kay Laon Federation Inc. Overall President Erlinda Montaño na sumisimbolo sa kanilang opisyal na paglipat sa nasabing CMP Vertical Housing Project.
Pumirma rin ng Memorandum of Agreement ang SHFC, LGU, at Department of Public Works and Highways para sa pagpapatayo ng karagdagang gusali sa nasabing proyekto.
Nilagdaan naman ang Kasulatan ng Restriksyon (KasuRes) ng mga opisyales ng asosasyon para sa mga alituntunin na dapat sundin sa kanilang paninirahan sa Laon.
Nakiisa sa okasyon ang ilang opisyales ng SHFC kabilang sina Accounts Management Senior Vice President Josefina Banglagan, Mega Manila Group Vice President Engr. Elsa Juliana Calimlim, Corporate Planning & Communications Vice President Florencio R. Carandang, Jr., Recovery Projects Vice President Annicia Villafuerte at Title Unitization and Asset Management Group Vice President Marissa Diestro.
Ang Laon HOA Federation ay binubuo ng tatlong phases na may kabuuang 34 na gusali at 1,632 units. Ang unang phase ay may 11 na gusali na binubuo ng 528 units. Noong Disyembre ng nakaraang taon, paunang na-turnover ang 192 units mula sa Phase 1.