Mahigit 100 titulo, iginawad ng SHFC

Published on 09 September 2024


Mahigit 100 na titulo ang iginawad ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) noong ika-28 ng Agosto sa Union Workers HOAI Covered Court, Brgy. 167, Llano, Caloocan City.

Biliang kinatawan ni President at CEO Federico Laxa, pinangunahan ni Accounts Management Department – NCR North Manager Antonio Alvarado ang pamamahagi ng titulo para 66 na kalalakihan at 73 na kababaihang miyembro ng asosasyon. Kasama sa mga dumalo sa awarding ceremony si Brgy. 167 Captain Antonio Reyes. Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-36 taong anibersaryo ng Community Mortgage Program (CMP).

Kabilang sa mga ginawaran ng titulo ang mga miyembro-benepisyaryo ng Amabelle Ph. 1, F.F. Zuniga Hoa, Inc., Llano Urban Poor HOAI, Makawili Ph. 1, Makawili Ph. 2, Paraiso HOAI, Reform 167 Housing Movement HOA, Inc., Union Workers HOAI, Villa Reform 3 Ph. 1 at Zuñiga Twins HOAI.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS