36 na titulo, ipinagkaloob sa Valenzuela

Published on 09 September 2024


Ipinagkaloob ng Social Housing Finance ang mga titulo ng lupa para sa 18 na kababaihan at 18 na kalalakihang miyembro-benepisyaryo ng Amabelle II HOAI, Kabatuhan Compound #3 HOA, Inc., Kabatuhan Compound 1 HOAI noong ika-22 ng Agosto sa Valenzuela City.

Pinangunahan ni Accounts Management Department – NCR North Manager Antonio Alvarado na kumatawan kay President at CEO Federico Laxa ang nasabing aktibidad. Kabilang din ang mga kinatawan mula sa SHFC Legal Affairs Department.

Ang pagkakaloob ng titulo ay kabilang sa selebrasyon ng ika-36 na anibersaryo ng Community Mortgage Program (CMP) month noong nakaraang buwan.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS