30 na titulo sa Nabigla Po HOA Inc., opisyal nang inilipat ng SHFC

Published on 02 October 2024


Opisyal nang nailipat ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) ang 30 na Transfer Certificates of Title (TCT) sa Nagkakaisang Bigkis Lakas ng Pasacola-Dulo HOA, Inc. (Nabigla Po HOA, Inc.) noong ika-28 ng Setyembre sa Quezon City.

Sa pangunguna ni Accounts Management Cluster NCR Central Chief of Division Elvira Frias na kumatawan kay SHFC President and CEO Federico Laxa, ipinamahagi ang titulo para sa 19 na kababaihan at 11 na kalalakihan na miyembro ng asosasyon.

Ang Nabigla Po HOA Inc. ay kabilang sa mga Remedial Accounts na napagkalooban ng kauna-unahanag titulo ng korporasyon. Ito ay binubuo ng 158 na miyembro-benepisyaryo.

Nakiisa rin sa pagdiriwang si Brgy. Nagkaisang Nayon Captain Feliciano Dela Cruz.

FEATURED VIDEO
QUICK LINKS